PINARANGALAN ng  Pierre de Coubertain Act of Fair Play Award ng Comité International du Fair-Play o International Fair Play Committee si 2019 Southeast Asian Games surfing champion Roger Casugay.

Ang nasabing parangal ay ipinagkakaloob sa mga atletang nakagawa ng hindi pangkarinawang kabayanihan sa kasagsagan ng patimpalak na unang inorganisa sa bansang France na binubuo ng mga miyembro ng UNESCO.

Sea Games Surfing Finals, in San Juan, La Union... Philippines Roger Casugay of Siargao rescued his Indonesian rival Arit  Nurhidayat two days ago in their longboard heat. They resumed their battle and Casugay won. He now fights Filipino JayR Esquivel in the finals. Photo by Mau Victa/Rappler

Si Casugay ang surfer na sumagip sa kanyang katunggaling Indonesian sa kasagsagan ng gold medal event sa surfing noong nakaraang biennial meet.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

Isinakripisyo ng 26-anyos na si Casugay ang kanyang unang gold medal event upang tulungan ang muntik nang malunod na katunggali na si Arip Nurhidayat.

Bagama't hindi nakuha ni Casugay ang unang gintong medalya sanhi ng nasabing insidente, nakabawi naman agad ito sa sumunod na event kung saan nakuha niya ang gold medal at nagbigay ng karangalan sa Pilipinas buhat sa nasabing biennial meet.

Kasunod nito,umani ng papuri si Casuigya dahil sa kanyang ginawang kabnayanihan na lalong nagpatingkad ng kanyang pangalan sa kasaysayan ng Philippine sports. Annie Abad