ILOILO CITY— Isang bagong specie ng seagrass ang natagpuan sa baybayin ng sikat sa mundo na Boracay Island sa bayan ng Malay, lalawigan ng Aklan, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Inihayag ni DENR-6 Western Visayas Regional Director Francisco Milla Jr. na ang seagrass specie na kilala sa scientific name nitong Halophila spinulosa ay natukoy kamakailan.

Ito ay nasa ulat na inilabas ng Conservation Development Division (CDD) ng DENR-6, na kinuha ang Dagatnon Environmental Consulting Services (Dagatnon ECS) para sa mapping at assessment ng coastal at marine resources ng Boracay.

Nakuhaan ng litrato ni Jan Felix Balquin ng Dagatnon ECS ang Halophila spinulosa na matatagpuan sa mahigit 1x1 metrong seagrass bed.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Ang Boracay ay mayroon na ngayong siyam sa 16 na seagrass species na matatagpuan sa bansa na may 95.37 ektarya ng seagrass. Ang pamayanan ng Balabag ang may pinakamataas na percentage ng seagrass bed cover na 81.84 porsiyento.

Ang seagrass mapping at assessment ay bahagi ng long-term rehabilitation ng Boracay Island, na nagsimula noong 2018 nang pansamantala itong isara sa mga turista sa loob ng anim na buwan.

“We eventually conducted the initiative on biodiversity monitoring that resulted to the discovery the marine specie,” paliwanag ni Milla.

Tara Yap