ISA ako sa libu-libong kababayan natin na humahanga sa mga bayani ng ating bansa, na kadalasan pa nga ay ginagawang huwaran ang kadakilaan -- magagandang gawi at pamamaraan nang pagmamahal sa Inang bayan – sa araw-araw na pamumuhay.
Maraming bayani ang ating bansa -- buhay man o patay na, kinikilala o limot na -- na nagtulung-tulong sa paghubog ng kalayaan at demokrasya na tinatamasa nating lahat sa ngayon.
Kaya bilang pagdakila sa lahat ng ating mga bayani, gumawa ang pamosong book author na si Melandrew T. Velasco ng aklat na kumikilala sa kabayanihan ng Pilipino sa loob ng 500 taon na pagpupunyagi upang maging malaya ang Pilipinas.
Inilarawan ni Velasco ang kanyang aklat: “A 320-page coffee table book, Twilight Glory: A Tribute to Filipino Heroes and Veterans tells the story of over 500 years of the Filipinos’ struggle for a free, independent and sovereign nation. From the pockets of revolts in the early Spanish regime to the years of the Philippine Revolution in 1896; from the Philippine-American War to the attainment of Philippine independence from the U.S. in 1946 with World War II in between; from the post-World War II reconstruction and rehabilitation and to the Philippine participation in the Korean and Vietnam wars to ensure regional peace and security; and from the Martial era and to the rebuilding of the nation in post-EDSA People Power Revolution.”
Nakapaloob din sa aklat ang ilang kabanata hinggil sa ating national shrines, memorials, at mga tanggapan ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng ating mga beterano, gaya ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).
Dagdag pa ni Velasco: “The book also includes a chapter on the veterans’ fight for benefits and recognition here and in the U.S. and another chapter on current challenges of the country: peace and order, foreign relations, natural calamities and the COVID 19-pandemic.”
Katuwang ni Velasco sa pagbuo ng aklat sina PVAO administrator Ernesto G. Carolina, at dating chairman ng Congressional Committee on Veterans Affairs and Benefits, na ngayon ay mayor ng Lingayen, si Leopoldo N. Bataoil, bilang mga co-author ni Velasco sa paggawa nito.
Ang “Twilight Glory” ay magkatuwang na inilathala ng tanggapan ni Velasco, ang Media Touchstone Ventures, Inc, Ramos Peace and Development Foundation (RPDEV), at PVAO.
Nakatakda dapat ang book launching ng “Twilight Glory” noong Marso 22, 20 sa Fairmont Hotel kasabay ng 92nd birthday celebration ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, AKA “Tabako” na maituturing na isa sa “living heroes” ng bansa.
Dahil sa quarantine, na postpone at itinakda noong Abril 9, 2020 ang book launching ng “Twilight Glory”, kaalinsabay sana ng paggunita sa Araw ng Kagitingan, subalit nagtuluy-tuloy pa rin ang pananalasa ng COVID-19 kaya ‘di na natuloy ang book launching.
Kaya sa halip ilalabas na lamang ang “Twilight Glory” sa Agosto 31, 2020 kasabay sa pagdiriwang ng National Heroes Day.
Masasabing isa sa buhay na bayani si Tabako dahil sa naranasan niya ang “horrors of war ng WW11; nakasama siya sa mga team ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipinadala upang tumulong sa mga kaalyadong bansa gaya ng giyera sa Korea at Vietnam; at naging pangulo ng Pilipinas.
“He is a hero both in times of war and peace. And he deserves to be honored in his twilight years,” ani Velasco bilang pagpupugay kay Tabako sa aklat niyang “Twilight Glory”.
Bukod sa San Miguel Corporation, ang iba pang corporate sponsors ng “Twilight Glory” ay ang PVAO; Manila Water Company, Inc.; Maynilad Water Services, Inc.; San Lorenzo Ruiz Builders at Water Development Corporation owners na sina Mr. Oscar and Anthony Jude (AJ) Violago; International Container Services, Inc.; Philippine Gaming Corporation (PAGCOR); at Philippine Veterans Bank.
Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]
-Dave M. Veridiano, E.E.