Mahabang panahon na rin ang ipinahinga ni Filipino- American ONE Heavyweight World Champion Brandon “The Truth” Vera at tila panahon na para sa kanyang pagbabalik aksiyon sa ONE Championship.

VERA: Ispesyal na laban sa ONE

VERA: Ispesyal na laban sa ONE

At kung walang magiging balakid isang kapana-panabik na laban ang posibleng naghihintay sa pamosong fighter. Niluluto ng ONE ang duwelo para kay Vera laban kay grappling legend Marcus “Buchecha” Almeida na kakapirma lamang ng kontrata sa pinakamalaking MMA promotion sa Asya.

Ang Brazilian superstar ang isa sa itinuturing ‘Monster’ sa grappling duel dahil sa pagiging master sa Brazilian Jiu-Jitsu discipline.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“So I had to look up the proper name, because I only know that monster as Buchecha. He is a phenomenal athlete. I am very lucky to have the opportunity to possibly meet him in the ONE Circle,” pahayag ni Vera matapos mabalitaan ang kaganapan.

“And it’s not just him. ONE signed a plethora of amazingly talented heavyweights. I’m going to train right now!”

Tangan ni Almeida ang kabuuang 128 victories at 13 kabiguan sa kanyang grappling career, at ang pagsama niya sa Circle ay ipinapalagay na magdaragdag ng saya at aksiyon sa mga tagahanga ng mixed martial arts.

Ngunit, hindi nangamgamba rito si Vera.

“I am very familiar with his grappling accolades. He has beaten the best in the world and at any given moment, at any weight, he is one of the top two grapplers in the world against anyone. I am very excited he is making the transition to MMA,” aniya.

“I think it is the correct progression after you win 13 World Titles in grappling. There is no one else for you to beat there. Looking forward to watching him and maybe even competing against him.”