TAIPEI (AFP)— Hitik sa papurin ang US cabinet member sa Taiwan’s democracy at sa tagumpay nito sa paglaban sa coronavirus nang makipagpulong sa pinuno ng isla nitong Lunes sa makasaysayang pagbisita na binatikos ng China bilang banta sa kapayapaan peace.
Si Health Secretary Alex Azar ay nasa Taipei para sa tatlong araw na pagbisita na binansagang pinakamataas na antas ng pagbisita mula sa United States simula noong magpalit ito ng diplomatic recognition mula sa isla pabalik sa China noong 1979.
Iginigiit ng China na sakop ng teritoryo nito ang Taiwan at na nanumpa na babawiin ito balang araw.
Nitong Lunes ng umaga, nakipagpulong si Azar kay President Tsai Ing-wen, na isinusulong ang kasarinlan ng Taiwan at kinamimuhian ng mga lider ng China.
“Taiwan’s response to COVID-19 has been among the most successful in the world, and that is a tribute to the open, transparent, democratic nature of Taiwan’s society and culture,” sinabi ni Azar kay Tsai.
Pinasalamatan naman ni Tsai ang US sa pagsusuporta sa pagsisikap nito na maging parte ng World Health Organization (WHO), isang organisasyon na pinanatili ng Beijing na hindi kasama ang isla.
“Political considerations should never take precedence over the rights to health,” sinabi ni Tsai, na tinatawag “highly regrettable” ang pagtanggi ng Beijing na makasali ang Taiwan.
‘Di nagtagal pagkatapos ng pulong, sinabi ng defence ministry ng Taipei nanang mga Chinese fighter jet ay sandaling tumawid sa median line sa Taiwan Strait na matagal nang itinuturing ng dalawang panig bilang isang hangganan.
“China has always firmly opposed official exchanges between the US and Taiwan,” sinabi ni Chinese foreign ministry spokesman Zhao Lijian sa reporters nitong Lunes ng hapon.