LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Kulang sa superstars, ngunit pinatunayan ng Toronto Raptors na sa sitwasyong ganito, may bench silang maaasahan.

Nagsalansan si Chris Boucher ng career-high 25 puntos at 11 rebounds para sandigan ang defencing champion sa 114- 106 panalo laban sa Milwaukee Bucks nitong Lunes (Martes sa Manila) sa duwelo nang nangungunang koponan sa Eastern Conference.

Hindi nakalaro si Milwaukee’s star Giannis Antetokounmpo, ang reigning MVP, matapos sumailalim sa oral surgery. Ipinahayag ni Bucks coach Mike Budehnolzer na malabong makalaro ang tinaguriang ‘Greek Freak’ sa huling dalawang seeding game ng Bucks laban sa Washington Wizards at Memphis Grizzlies.

Sa Toronto, nabench din si Kyle Lowry dahil sa iniindang ‘sore lower back’, habang nagmintis ng laro si Serge Ibaka sa pamamaga ng kanang tuhod at nagtamo si Fred Van Vleet ng ‘hyperextended’ sa kanang tuhod.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nanatiling No.1 ang Bucks sa Eastern Conference sa ikalawang sunod na season, habang No.2 ang Toronto.

Nag-ambag sina Rookie Matt Thomas ng season-high 22 puntos at Norman Powell na may 21 puntos para sa Raptors. Kumubra sina Kyle Korver at Khris Middleton ng 19 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod sa Bucks.

HEAT 114, PACERS 92

Matikas ang pagbabalik ni Jimmy Butler sa Miami lineup sa naiskor na 19 puntos, 11 rebounds at limang assists, habang humirit si Derrick Jones ng 18 sa panalo ng Heat laban sa Indiana Pacers.

“He was dictating the game,” pahayag ni Heat coach Erik Spoelstra. “The ball was going through him. That’s the definition of a go-to player.”

Nag-ambag sina Tyler Herro na may 17 puntos, Duncan Robinson at Jae Crowder na may tig-14 puntos para sa Miami para tuldukan ang two-game slid. Kumana rin sina Goran Dragic at Bam Adebayo ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

SUNS 128, THUNDER 1-1

Pinahina ng Phoenix Suns, sa pangunguna ni Devin Booker na kumana ng 35 puntos, ang Oklahoma City Thunder para sa impresibong 6-0 karta sa restart at palakasin ang tsansa na makahirit ng playoff sa Western Conference.

Humaribas ang Suns sa Western Conference standings at lumapit ng isa’t kalahating panalo sa No.8 seed Memphis at isang panalo ang pagitan sa No.9 Portland.

“We haven’t accomplished anything,” pahayag ni Phoenix coach Monty Williams. “That may sound like coach-speak, but we dug ourselves a hole with our record. We scrapped all year long and won some games, but it’s been an uphill battle.”

Sumabak ang Oklahoma City na wala ang limang scorers na sina Shai Gilgeous- Alexander (bruised right calf), Danilo Gallinari (left ankle maintenance), Dennis Schroder (birth of child) at Steven Adams (bruised left leg).

MAVS 122, JAZZ 114

Bumalikwas ang short-handed Dallas Mavericks mula sa 22 puntos na paghahabol para gulantangin ang Utah Jazz.

Nanguna si Tim Hardaway Jr. sa Mavericks na may 27 puntos, habang tumipa si Seth Curry ng 22 puntos, at kumana si Boban Marjanovic ng 20 puntos at siyam na rebounds. Ito ang pinakamalaking comeback win ng Mavericks mula noong February 2016 at tumibay ang kanilang laban para sa No. 5 seed sa Western Conference playoffs.

“I loved the comeback,” pahayag ni Dallas coach Rick Carlisle. “I love winning. I hate losing. I love winning for the feeling that our guys get from doing something together.”

Nagawa ito ng Dallas na wala ang dalawang star players na sina Luka Doncic at Kristaps Porzingis, na kapwa ipinahinga bunsod ng injuries, habang hindi rin nakalaro sa Utah star Donovan Mitchell.