INAASAHANG malaki ang maitutulong ng ‘Magsasakang Siyentista ’ (Farmer-scientist) upang higit pang mapalakas ang promosyon ng agrikultural na sektor na kasakuluyang nahaharap sa maraming pagsubok sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, pahayag ng Agricultural Training Institute, Davao Region (ATI-11) kamakailan.
Ibinahagi ni Olivia Gatus, information chief ng ATI-11, na ang mga kuwalipikadong farmer-scientists ay makatatanggap ng sertipiko at magiging bahagi sa pambansang grupo ng mga magsasakang siyentista.
Magiging bahagi rin, aniya, ang mga awardees ng Farmers’ Information and Technology Services (FITS) kung saan magiging tagapayo sila ng mga magsasaka at tutlong sa mga ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman at teknolohiya.
“They can share their technology to them [farmers] and at the same time provide hands-on or actual practice,” ssad ni Gatus.
Ang Magsasaka Siyentista (MS) ay isang titulong makukuha ng isang magsasaka na naging matagumpay sa kanyang paggamit ng science at technology-based indigenous technologies sa sakahan.
Dagdag pa ni Gatus, magiging katuwang ng MS ang Techno Pinoy center sa pagbibigay ng mga sumusunod na serbisyo: magsilbing resource person para sa technology training, clinics, at seminars; magkaloob ng technical assistance at hands-on training sa pagbisita sa mga magsasaka; isulonng ang Science and Technology-based farm na nagpapakita ng kabisaan ng pagpapaunlad sa produktibidad at kita ng sakahan; at pagpapalawak ng farmer-to-farmer advisory services.
“For our part at the ATI, we can support him to the MS Summit and we can help in terms of promotion in his farm,” ani Gatus.
Sa kasalukuyan, higit 100 magsasaka sa Davao Region, kasama ang mga kalapit na probinsiya, ang napagsilbihan ng KWR team na nakasakop ng 4,000 ektarya.
PNA