BEIRUT (AFP)— Ipinahayag ni Lebanon Prime Minister Hassan Diab ang pagbibitiw ng kanyang gobyerno nitong Lunes sa gitna ng pressure bunga ng pagsabog sa daungan ng Beirut nitong nakaraang anim na araw na muling inudyukan ang mga galit na mga protesta sa kalye.
“I announce the resignation of the government,” sinabi ni Diab sa dulo ng kanyang televised speech.
Ang pag-anunsiyo ay sinalubong ng mga pagbubusina ng mga sasakyan sa mga lansangan at celebratory fire sa hilagang lungsod ng Tripoli ngunit hindi malamang na matugunan ang pangmatagalang mga inaasahan ng mga Lebanese.
Kahit na habang nagsasalita si Diab, nagbanggaan ang security forces sa central Beirut sa ikatlong gabi at mga nagpoprotesta na hinihiling ang wakas ng political system na itinuturing ng marami na inept, corrupt at dominated ng sectarian interests at family dynasties.
Ayon sa health ministry, 160 katao ang namatay sa pagsabog, 6,000 ang nasugatan at halos 20 ang nananatiling nawawala matapos ang sakuna ng Agosto 4 na sinisisi sa kapabayaan ng mga opisyal.
Halos isang linggo matapos ang malaking pagsabog ng kemikal na nagdulot ng matinding pagkawasak sa malaking bahagi ng kabisera at naramdaman hanggang sa Cyprus, patuloy pa rin ang paglilinis ng mga residente at volunteers sa mga nagkalat na debris sa mga kalye nitong Lunes.
Tuloy din ang pagtatrabaho ng international rescue teams na may sniffer dogs at specialised equipment sa “ground zero”, kung saan bumaling na ang paghahanap sa mga bangkay sa halip na sa mga nakaligtas.