SA gitna ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic, higit na lumutang ang katatagan at malasakit ng Pinoy.
Tunay na dagok sa marami ang pamumuhay sa “new normal”, ngunit naibsan ang hirap dahil sa sakripsiyo ng frontliners at motorcycle group na siyang sentro ng on-line delivery services para sa pangangailangan ng mamamayan.
Kabilang ang Honda BeAT Fi Owners Club Surigao Chapter sa kagyat na kumilos upang tulungan ang ating mga kababayan sa kanilang pangangailangan sa transportasyon, pagkain at essentials na produkto na hindi kailangang lumabas ng kanilang tahahan.
Sa Cebu, ang Cebu XRM Riders Club ay nagsagawa ng food drive para sa frontliners sa Balamban-Cebu City boundary.
Nagsagawa naman ang Honda Click Game Changer Philippines, isang motorcycle club para sa Honda Click riders, ng charity program para maihatid ang relief goods para sa mga biktima ng Gloria V Fire sa Quezon City nitong Hulyo 19.
Pinatunayan ng mga Motorcycle clubs ang kahulugan ng ‘ONE DREAM” campaign ng Honda Philippines. Matibay, ligtas at maasahan ang Honda BeAT Fi, XRM125, at Click para sa ganitong mga gawain.
May kanya-kanya ring Motorcycle Clubs ang mga riders na gamit ang iba pang produkto ng HPI’s tulad ng Honda Genio, PCX150, AirBlade150, ADV150, at Supra GTR150.