TINUKOY ng mga eksperto sa kalusugan ang mahalagang tulong ng pagtatakip ng mukha upang mabawasan ang pagkalat ng coronavirus—ngunit iilan lamang pananaliksik ang isinagawa na nakatuon sa pagkukumpara ng iba’t ibang klase ng masks.

Sa isang bagong pag-aaral, iniranggo ang 14 na uri ng mask na kalimitang ginagamit, kung saan natuklasan na ang medical mask ang nakapagbibigay ng higit na proteksiyon laban sa mga droplets na kumakalat kumpara sa mga alternatibong cotton—habang wala namang gaanong naitutulong ang pagsusuot ng bandanas at balaclavas.

Malaki ang implikasyon ng resulta ng pag-aaral na ito sa polisiya sa publiko, partikular sa United States kung saan hinihikayat ng mga awtoridad ang publiko na gumamit ng textile masks at ilaan na lamang ang mga medical products para sa mga health care workers dahil kulang ang supply.

“We need to scale up surgical mask production and distribution,” tweet ni Tom Frieden, former director ng Centers of Disease Control and Prevention sa ilalim ni President Barack Obama, bilang tugon sa pag-aaral na lumabas sa Science Advances.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Mahalaga ang masks dahil 30 hanggang 40 porsiyento ng mga taong apektado ng virus maaring hindi nagpapakita ng sintomas ngunit hindi malay na naikakalat ang virus kapag sila ay nauubo, nababahing o simpleng nagsasalita.

Isang grupo ng mga siyentista sa Duke University ang lumikha ng isang inexpensive setup: pumasok ang ilang tao sa isang dark room at limang beses na nagsalita ng “Stay healthy, people” sa direksyon ng isang expanded laser beam, na ini-record sa pamamagitan ng cell phone camera.

Isa namang computer algorithm ang ginamit upang kalkulahin ang bilang ng droplets. Binili ang laser at lens sa $200 at madali lamang magaya ang experimental design ng mga hindi eksperto.

“This sort of test could easily be conducted by businesses and others that are providing masks to their employees or patrons,” pahayag ni co-author Martin Fischer, isang chemist at physicist.

Sa resulta, napawasan ang droplet transmission ng less than 0.1 percent gamit ang professionally-fitted N95 masks -- hospital-grade protection na ginagamit ng mga frontline workers sa mga hospital.

Hindi naman nalalayo dito ang Surgical o polypropylene masks, na napababa ang transmission sa 90 percent kung ikukumpara sa walang takip sa mukha.

Maganda rin ang naibibigay na proteksyon ng mga hand-made cotton face coverings, na nag-eliminate ng 70 hanggang 90 porsiyento ng spray mula sa normal na pagsasalita, depende sa bilang ng layers at pleating.

Gayunman, ang bandana, ay nakapagpababa lamang ng droplets hanggang 50 porsiyento habang ang neck fleeces “increased the amount of spray, probably by dispersing the largest droplets into many smaller droplets.”

Ang huli na N-95 na may valves—na nakadisenyo para sa industrial settings – ay nagpakita ng halos katulad na epekto sa cotton mask, kung sa dami ng spray transmitted ang pag-uusapan.

Pinayuhan na ng mga health authorities ang publiko na huwag nang gumamit ng N-95.

Ibinahagi naman ni co-author Eric Westman na naipakalat na nila ang impormasyon, upang maiwasan ang pagbili ng maraming uri ng mask na planong ipamahagi sa mga residente ng Durham, North Carolina, ang lokasyon ng unibersidad.

“The notion that ‘anything is better than nothing’ didn’t hold true,” paliwanag niya.