Mahigit sa 20 milyong mga kaso ng coronavirus ang narehistro ngayon sa buong mundo, higit sa kalahati sa Amerika, ayon sa tally ng AFP ng mga opisyal na mapagkukunan nitong Lunes, 2215 GMT.

Hindi bababa sa 20,002,577 kaso at 733,842 na pagkamatay ang naiulat ngayon. Mahigit sa apat sa 10 mga kaso ng coronavirus ay sa United States at Brazil, ang dalawang pinakaapektadong mga bansa sa mundo.

Habang ang US ay nakapagtala ng 5,075,678 kaso at 163,282 na pagkamatay, naitala ng Brazil ang 3,057,470 na impeksyon at 101,752 na pagkamatay.

Ang bilis ng pandemya ay lumilitaa na tumatatag sa buong mundo na may karagdagang isang milyong mga kaso na nakita kada apat na araw mula noong kalagitnaan ng Hulyo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Tumagal ng 94 araw para mairehistro ang isang milyong impeksyon, matapos ang anunsyo ng unang opisyal na kaso sa China. Makalipas ang 86 na araw, noong Hunyo 18, pumalo ito sa 10 milyon. Mula noon ang bilang ng mga natukoy na impeksyon ay dumoble sa loob ng isang buwan at kalahati.

Ang Latin America at Caribbean, ang pinakatinamaang rehiyon na may 5,601,470 kaso at 221,281 na pagkamatay, ay patuloy na nakararanas ng mabilis na pagkalat na may 576,583 bagong mga impeksyon na iniulat sa huling pitong araw. Sinundan ito ng Asya (495,663), Canada at US (379,017), Europe (153,879), Africa (89,644), Middle East (74,588) at Oceania (3,372).

Ang India ay ang bansa na may pinakamaraming bagong mga impeksyon sa nakaraang linggo (402,287), nangunguna sa US (376,471), na noong Linggo ay nasapol ang limang milyong marka ng opisyal na naiulat na mga kaso. Ang Brazil (301,745), Colombia (69,830) at Peru (49,174) ang sumusunod na pinaka-apektadong mga bansa.

AFP