BUKOD sa muling makabalik at makapaglaro sa PBA, nais din ng suspindido pa ring star forward ng Phoenix na si Calvin Abueva na muling maging bahagi ng Gilas Pilipinas.

Ito ang isiniwalat ni Abueva na halos isang taon na ring nasa ilalim ng indefinite suspension.

Bukod sa makasama muli ng Fuel Master sa laban, hangad din ni Abueva na makabilang muli sa National Team.

"Iniisip ko pagbaliik ko na makapaglaro ako ng maayos at mapasama ako uli sa Gilas kahit ano ang nangyari," wika ni Abueva nang makapanayam ito ni dating PBA Commissioner Noli Eala sa kanyang radio show na Power & Play nitong Sabado.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Mula sa mga pinagdaanang mga pamamaraan upang mas maging maayos ang kanyang karakter, pagpailalim sa mga drug at psychological tests bukod pa sa partisipasyon sa ilang community services, umaasa si Abueva na tamang landas ang kanyang tinatahak.

"Totally mental blackout ako nun.First time na nangyari sa buong career ko yun. Yun ang gulo na pinaka-malala, pinaka-worst... Pinagsisihan ko yun," ani Abueva na tinutukoy ang ginawa niya kay TNT import Roy Jones.

Marivic Awitan