NAKIPAGTAMBALAN ang PLDT Home sa National Basketball Association (NBA) para mapalakas ang NBA League Pass, ang premium live game subscription service ng liga.

Makakakuha ng direktang access ang PLDT Home subscribers sa NBA games at iba pang exclusive programs sa mababang halaga na P485 kada buwan kung ililipat nila ang NBA League Pass subscription sa kanilang PLDT Home account.

Sa pagpapatuloy ng 2019-20 season restart, maibibigay ang lahat ng hinahanap ng mga tagahanga sa NBA League Pass’s coverage ng seeding games wkabilang ang mas pinagandang statistical overlays, alternative audio and multiple viewing options.

Mabibigyan ang mga subscribers ng access sa League Pass’ Next-Generation game viewing enhancements, kabilang ang new camera angles, multiple in-language streams, celebrity influencer commentary, in-depth analytics and statistical graphics, fantasy and gaming options, trivia and social media integration.  Mas makukuha ng viewers ang hinahanap na visual effects and sounds sa venue ng laro sa pamamagitan ng “tap-to-cheer” function.

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

Masiyahan sa panonood ng NBA games sa  NBA League Pass sa inyong PLDT Home Fibr. Sa mga interesadong mag-subscribe, bisitahin ang  pldthome.com/nbaleaguepass.