BAYANI!

Ni Edwin Rollon

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

TUNAY na hindi matatawaran ang sakripisyo ng frontliners – medical, workers, sundalo at kapulisan – para maabatan ang tumitinding krisis sa bansa dulot ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Ngunit, sa gitna nang laban, may mga indibidwal sa lahat ng sector, kabilang na ang sports na tumindig, kumilos at nagpamalas nang malasakit sa kapwa at sa mga apektadong atleta ng bayan.

KASAMA ni Mitra sa Maurice Sulaiman (kanan) sa isang pagtitipon ng WBC.

KASAMA ni Mitra sa Maurice Sulaiman (kanan) sa isang pagtitipon ng WBC.

At hindi ito nakalusot sa matinding pagbabantay ng World Boxing Council.

Kinilala ng pamosong boxing body, pinakamalaking boxing organization sa mundo, ang anila’y “acts of selfless heroism in these challenging times” ng ilang personalidad sa mundo ng boxing, kabilang na sina Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at boxing legend Senator Manny Pacquiao.

Isinulong ng WBA ang search for ‘Heroes of Humanity’ sa nakalipas na tatlong buwan at nagtapos nitong Hulyo 31. Kabuuang 220 ang napiling awardees sa buong mundo kabilang ang Pilipinas, Italy, Spain, USA, UK, Thailand, Albania, Russia, Ireland, Chile, Mexico at Egypt.

“It’s a three-month process. Kami naman po sa GAB ay naatasan ng pamahalaan na gabayan ang ating mga pro athletes na apektado rin ng naganap na lockdown. Trabaho namin ito, hopefully nagampanam namin ito,” sambit ni Mitra.

“Nagpapasalamat kami sa WBC at kabilang tayo sa binigyan nila ng parangal,” aniya.

Inaasahang pormal itong ibibigay ng WBC, sa pamumuno ni WBC president Mauricio Sulaiman, Jr. at WBC international secretary/WBC Cares chairperson Jill Diamond sa virtual WBC 58th World Convention ‘We Are The World’ sa Agosto 12-15.

Tatanggapin ng mga awardees ang WBC certificates of recognition at medalya kung saan nakalimbag ang salitang “Learn From Yesterday, Live For Today, Hope For Tomorrow” at “Thank You For Keeping The World Safe – COVID-19 2020 Hero Of The World.”

Sa kasagsagan ng lockdown, kagyat na nakipag-ugnayan si Mitra sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maayudahan ang mga lisensiyadong indibidwal at atleta ng GAB na hikahos dulot nang hindi inaasahang pagtigil ng sports.

 “The WBC heard of the money that GAB requested and was given by DSWD to each boxer in Luzon and nearby areas. Of the total of 1,524 boxers, 536 were given funds. There were 336 beneficiaries from NCR who received cash assistance of P5,000. There were 116 from outside NCR who received the same amount. There were 84 who received P3,000 each. A total of 846 are scheduled for payout. The funds were given with a box of food, rice and grocery goods by DSWD,” ayon sa dating Palawan Governor at Congressman.

Bukod kay Mitra at Pacquiao, napili ring ‘Heroes of Humanity' sina international referee Angeles City-based Bruce McTavish, referee Robert Bridges at lightweight contender Mercito Gesta.

Kinilala ng WBC ang “relentless support” ni Pacman para sa kanyang mga kababayan kahit hindi pa man nanalanta ang coronavirus, habang si McTavish, kasama ng pamilya ay nag-organisa ng meal delivery sa frontliners sa loob ng  79 araw.

Kasama ang Pinay na maybahay, nagsagawa naman ng relief operation ang 46-anyos American-Japanese referee na si Bridge sa kanyang ikalawang tahanan sa Angat, Bulacan.

Kabilang naman ang 32-anyos na si Gesta sa mga kinilalang fighters dahil sa pakikiisa niya sa pamamahagi ng pagkain sa frontliners sa Kaiser Permanente Irvine, Banfield Pet Hospital sa La Jolla, Kaiser Permanente Medical Offices sa Bonita at Gateway Medical Group sa San Diego.