UMAASA si Margielyn Didal, reigning Asian at Southeast Asian champion sa skateboarding, na makapapasok sa Olympics Games sa 2021.

Nasa ika-14 sa world ranking si Didal sa world female skateboarders, kung kaya pasok siya kung ang Top 20 ang seeded sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Ayon sa kanya, minamaliit ng maraming tao ang skateboarders, lalo na ang yaong laging nakikita sa mga lansangan, at doon naglalaro.

“We look dirty because we are trying to land a trick and we get dusty,” ani Didal sa isang panayam ng Tokyo2020.org. “Most people, when they see a skateboarder, they say ‘you don’t have a future there, they are just hanging on the street.’”

Hinihinalang bomba mula pa World War II, nahukay sa road widening

Ngayon daw ay nagugulat ang mga tao sa skateboarding na nagdala ng dangal at pangalan sa Pilipinas matapos na siya ay manalo.

"Umaasa tayo ngayon na makakabilang sa Olympics at magiging champion sa mundo,” tiwalang sabi ni Didal.

Si Didal ay benepisyaro ng Olympic solidarity scholar program na itinatag ng International Olympic Committee para mabigyan ng tsansa ang may talent na atleta ng  equal chance upang makapasok sa Olympic Games.

Bert de Guzman