TULOY-TULOY ang pagtulong ng Department of Science and Technology (DOST) katuwang ang Department of Agriculture (DA) 6 (Western Visayas), sa mga magsasaka, mangingisda at agribusiness ng rehiyon sa pagpapaunlad ng kanilang mga produkto.

Pagbabahagi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña, layunin ng dalawang ahensiya na mapaganda at mapaunlad ang market competitiveness ng agriculture at fishery products sa Western Visayas.

“(We work on the competitiveness) specifically in aesthetics, longer shelf life, better protection of the products, keeping the buyers informed of nutritional label, and to better compete with imported products,” ani dela Peña sa isang panayam.

Ang DA, aniya ang tumukoy sa mga benepisyaryong nakikinabang sa programa.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The training (being provided) is more for the DA field workers. For the enterprises, it is more on packaging design, material selection, labeling, actual product packaging for test marketing,” dagdag pa ng DOST chief, na ibinahagi ring nitong Hulyo pa nagsimula ang implementasyon ng programa, at nagpapatuloy pa rin sa kasalukuyan.

Aniya, nagkaloob ang DA-6 sa DOST-6 ng P7.5 milyong pondo bilang suporta nitong nakaraang buwan sa pagpapaunlad ng packaging-related assistance, tulad ng label design assistance, sa halos 100 benepisyaryo.

Ginagamit din ang pondo sa pagbuo ng technical manual para sa agri-fishery product packaging at pagpapataas ng kapasidad ng agribusiness enterprises, gayundin ang pag-agapay ng DA at local government personnel sa mga magsasaka at mga mangingisda.

PNA