KABILANG ang Singapore-based martial arts organization ONE Championship sa Top 10 Most Engaging Sport Profiles on Facebook Worldwide, batay sa datos na inilabas ng independent social media marketing company Socialbakers.
Nakalap ang datos mula Enero 1 hanggang 30 ng taong kasalukuyan.
Nakuha ng ONE ang No.8 sa overall, tangan ang kabuuang 46,299,362 interactions, lamang ng bahagya sa No.9 National Basketball Association (NBA), na may 45,049,463 interactions. Tanging ang ONE ang MMA na kabilang sa listahan na binubuo ng high-profile sports properties sa buong mundo tulad ng Manchester United, International Cricket Council (ICC), at LaLiga.
“Thank you to the greatest fans in the world for inspiring me and my team to dream more, do more, and be more in life!” pahayag ni ONE Championship Chairman and CEO Chatri Sityodtong sa kanyang mensahe sa social media.
Pinatunayan ng football ang pagiging No.1 hindi lamang sa Asia bagkus sa buong mundo matapos makuha ng Manchester United ang No.1 spot na may 98,753,757 interactions.
Bukod sa MMA, ipinakilala rin ng ONE ang striking-only league – ONE Super Series – para sa kickboxing at Muay Thai contests, gayundinn ang reality shows na ONE Warrior Series at ang The Apprentice: ONE Championship Edition.