NAGDULOT ang COVID-19 pandemic ng maraming problema sa ating bansa, na nakaaapekto hindi lamang sa sektor ng kalusugan ngunit sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng bansa. Apektado nito ang pagpapatakbo ng pamahalaan, ang operasyon ng mga negosyo at industriya, at ang buhay ng ordinaryong mga tao sa bansa.
Nagkaroon ng problema sa bayarin sa kuryente sa unang mga buwan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) nang kuwestiyunin ng mga konsumer ang kanilang electric power bills, na tinatanong kung paano natukoy ang halagang dapat bayaran gayong hindi naman nagkaroon ng aktuwal na reading sa mga electric meter sa mga bahay dahil sa lockdown. Isang pro-consumer group ang nagsulong ng FiT-All rates – isang uniform charge sa lahat ng gumagamit ng kuryente upang mapababa ang produksyon ng malinis ngunit mahal na renewable energy. Ngunit lumabas na ang FiT-All ay malaking halaga na matagal nang bahagi ng Meralco bills –na nagkakahalaga sa isang tahanan ng R50 ng R10,000 bill para sa 937 kilowatt-hours noong Hulyo. Gayunman, ipinag-utos ng Energy Regulatory Board ordered ang refund sa anumang FIT-All amounts, gayundin ang Universal Charge-Environment Charge (UC-EC) sa panahon ng lockdown.
Kalaunan, inanunsiyo ni Meralco Chairman Manuel V. Pangilinan na nakaisip na ito ng paraan upang mapababa ang mga bill, kabilang ang
reduction of systems loss, ng transmission charges, at ng Wholesale Electricity Spot Market prices. Nangako naman itong patuloy na hahanap ng paraan upang higit pang mapababa ang systems loss habang pinagbubuti ang kanilang serbisyo.
Sa pag-usbong ng usaping ito mula sa nagpapatuloy na pandemya at ang kasamang resulta ng restriksyon ng pamahalaan, maaaring panahon na upang suriin ng pamahalaan ang pangunahing isyu kung ano pinagmulan ng pandemya. Sinasabing konektado ito sa climate crisis—ang pagtaas ng global na temperatura, pagbagsak ng ecosystem, na dahilan upang mapilitan ang mga hayop na lumayo sa kanilang natural na tirahan, pagtaas ng interasyon sa iba pang hayop gayundin sa mga tao sa nakalipas na mga taon.
Sa proseso, maraming virus ang nag-evolve, tulad ng EBOLA, H1N1, at HIV-AIDS. Ilang pag-aaral ng mga siyentista ang nagsasabing may koneksyon sa mga paniki ang nangyayaring COVID-19, na humawa sa mga pusa at ferret.
Kasama ng ating pagsisikap na maunawaan ang COVID-19 at mahinto ang pagkalat nito, kailangan nating maglaan ng atensyon at panahon sa pag-aaral at aksyon upang malabanan ang climate change. Kailangan natin ang mas malaking pamumuhunan sa renewable energy at sa iba pang mga programa na may layong sugpuin ang mapaminsalang gawi na nakasisira sa balanse ng kalikasan at nagdudulot ng matinding pagbabago sa natural na mundo--- mga pagbabagong nagpasimula sa pag-usbong ng mga virus tulad ng COVID-19 na patuloy na lumalaganap sa mundo.