ALAMINOS CITY, Pangasinan – Pinalakas ang turismo sa lalawigan matapos na buksan muli ang Hundred Islands National Park (HINP) sa mga taga-Pangasinan, simula nitong Agosto 8.
Ayon sa City Tourism Office, kinakailangan pa ring ipatupad ang mga health protocols upang hindi na lumaganap pa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar.
Ang mga pinapayagan lamang na makapasok sa HINP ay may edad na 21 to 59.
Banggit ng tourism office, kinakailangan lamang nilang magdala ng health certificates na nagpapatunay na ligtas sila sa
COVID-19 symptoms at valid identification cards na ngapapatunay na sila ay taga-nasabing lalawigan.
Kasabay pa nito, ang mga bibisita sa HINP ay dadaan din sa standard temperature check at hand and foot sanitation sa designated area ng City Tourism Office.
-Liezle Basa Iñigo