HINILING ni Senator Bong Go sa Philippine Sports Commission (PSC) na kagyat na tugunan ang mga pangangailangan ng mga miyembro ng Philippine Team upang mawaksi sa kanilang kaisipan ang dinaranas na kalbaryo sa kasalukuyan bunsod ng COVID- 19 pandemic.
Sinabi ni Go, Chairman ng Senate Committee on Sports, na nakatanggap ang opisina niya ng mga hinaing hingil sa pagkaantala ng monthly allowances na siyang inaasahan ng mga atleta na pawang amateur.
“May mga natatanggap akong reklamo tungkol sa delayed na pagbigay ng mga allowances ng ating mga athletes at coaches para sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo. Ngayon ay Agosto na. Tinatawagan ko ng pansin ang pamunuan ng PSC kung maaaring tingnan ang reklamong ito. Ayusin ang dapat ayusin at ibigay ang dapat ibigay,” pahayag ni Go.
“We are in the middle of a pandemic and everyone is having difficulty. Our athletes and coaches who bring honor to our country are no exception.
“Alam kong hirap din kayo sa inyong mga pondo dahil sa mababang remittances mula sa PAGCOR. Nabawasan na nga kamakailan ang kanilang mga monthly allowances, sana huwag naman ma-delay pa.
“Alam kong kaya ninyong ma t ug unan kaagad ito. Bilang Chair ng Senate Commitee on Sports, magtulungan tayo para sa k a p a k a n a n ng ating mga atletang nangangailangan n g a y o n , ” pahayag ni Go.