LAGUNA – Isa pang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang napatay ng magkasanib na puwersa ng militar at pulisya sa naganap na sagupaan sa Sitio Buo, Barangay San Antonio, Kalayaan, Laguna, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Laguna Police provincial director Col. Serafin Petalio II ang rebelde na si Mario Caraig, alyas Ka Jetro/Dan, secretary-general ng Sub-Regional Military Area (SRMA)-4C sa Cavite at Batangas.

Inihayag ni Petalio, nilusob ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Laguna Provincial Police Office, 2nd Laguna Mobile Force Company, at 202nd Infantry Brigade ang pinagtataguan ni Caraig upang upang isilbi sana ang mga warrant of arrest nito dahil sa patung-patong na kaso, dakong 12:10 ng madaling araw.

Gayunman, pumalag umano si Caraig at pinaputukan ang raiding team kaya nagkaroon ng sagupaan.

Isinugod pa si Caraig sa General Cailles District Hospital sa Pakil, Laguna kung saan ito binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Probinsya

Gurong umawat sa pagnanakaw, binalingan ng binatilyong kawatan!

Si Caraig ay tinaguriang most wanted person sa mga kasong multiple attempted murder na kinakaharap nito sa Nasugbu, Batangas Regional Trial Court at multiple murder at multiple frustrated murder naman ang kinakaharao nito sa Calapan City, Oriental Mindoro Regional Trial Court.

-Danny Estacio