MABILIS na ipinagtanggol ni Andi Eigenmann ang partner niyang si Philmar Alipayo, isang French surfing champion based in Siargao Islands laban sa mga bashers. Kasama ni Philmar doon si Andi at ang love child nilang si Lilo. May mga bashers na minamaliit si Phimar, ayaw nila ito for Andi dahil isa daw lamang siyang taga-Isla.

Ayon kay Andi, huwag daw maliitin ni Philmar ang sarili niya, ‘don’t ever say that, because to me, you guys are the richest people on earth to be surrounded by such beauty of nature and living in paradise like this.”
Matagal nang naninirahan sina Andi at Philmar sa Siargao, minsan, kasama nila roon si Ellie, ang panganay ni Andi kay Jake Ejercito. Halos hindi na siya bumabalik ng Manila, maliban kung ibinabalik niya si Ellie kay Jake at sa pangangalaga ng ina niyang si Jaclyn Jose dahil sa Manila nag-aaral ang anak. Kahit may offers na project kay Andi, TV o movie man, hindi niya tinatanggap, mas gusto niya ang simple life sa Siargao.
-NORA V. CALDERON