NANINIWALA si Mikee Cojuangco-Jaworski, bagong hirang na miyembro ng International Olympic Committee (IOC) Executive Board, na kayang-kaya ng Pilipinas na maging host sa mas malalaking international event higit pa sa Southeast Asian Games na idinaos sa bansa noong 2019.

Inamin ni Cojuangco na bagamat hindi naging perpekto ang pagho-host ng PH sa 11- nation meet, kumbinsido siya na makakaya ng bansa ang muling pagho-host nito sa mga darating na palaro.

“It’s very doable,” ani Cojuangco-Jaworski, tungkol sa kakayahan ng Pilipinas na mag-host ng mga laro, tulad ng Asian Indoor and Martial Arts Games at Asian Beach Games.

Gayunman, sinabing kailangan pang pagbutihin ng Pilipinas ang pagiging host sa sandaling magkaroon ng bago o ano mang international competition na idaraos sa bansa.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Si Mikee ay dating Asian Games equestrian champion. Siya ay anak ni dating POC president ex-Tarlac Rep. Jose “Peping” Cojuangco.

-Bert de Guzman