Umakyat na sa apat ang namatay na Pilipino habang nasa 31 iba pang kababayan ang nasugatan sa naganap na dalawang pagsabog sa isang warehouse sa Beirut, Lebanon nitong Martes.

“We are saddened by the latest turn of developments. The higher figure comes as our Embassy personnel work to ascertain the condition of the Filipinos in its jurisdiction,“ pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Lou Arriola.

Binanggit ng DFA na batay sa natanggap nilang ulat mula sa embahada ng Pilipinas sa Beirut, nananatili namang nawawala ang isa pang household service worker (HSW).

Kaugnay nito, iniulat naman ni Philippine Embassy Beirut Charge d’affaires Ajeet Panemanglor na mayroon namang dalawang Pinoy ang nananatiling nasa kritikal na kondisyon at kasalukuyang naka-confine sa Rizk Hospital.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

-Bella Gamotea