Iniutos ng Malacañang sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat tulungan ang 18 milyong benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) sa second tranche ng pagbibigay nito ng ayuda.

Ito ang pahayag ng Malacañang alinsunod na rin sa Bayanihan To Heal As One Act.

Inilabas ni Presidential spokesman Harry Roque ang pahayag nang lumiit sa 14.1 milyon na lamang ang naging kuwalipikadong benepisyaryo ng SAP 2 matapos magkaroon ng “duplication of entry” sa listahan ng DSWD.

Paliwanag naman ng DSWD, naging mababa ang bilang benepisyaryo dahil naging mababa ang bilang ng waitlisted families na isinumite ng local government units (LGUs).

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Gayunman, nanindigan si Roque na dapat ay punan pa rin ang mga bakante kahit mayroon ng mga bago at kuwalipikadong benepisyaryo.

“Ang (The) Bayanihan To Heal As One Act po ay malinaw na kinakailangan magbigay ng ayuda dalawang beses sa 18 million beneficiaries. Dapat po punuan ng DSWD ‘yung natitira pang beneficiaries under the second tranche of SAP,” dagdag pa nito.

-Argyll Cyrus B. Geducos