LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Dunk dito, dunk doon. Ano man ang porma at layo ng tira pasok ang binitiwang opensa ng Boston Celtics.

WALANG nakapigil sa dunk ni Marcus Smart ng Boston. (AP)

WALANG nakapigil sa dunk ni Marcus Smart ng Boston. (AP)

At sa pagtatapos ng laro, naitala ng maalamat na koponan ang season-high points sa pagwasak sa Brooklyn Nets, 149-115, nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Nanguna si Jaylen Brown sa natipang 21 puntos, tampok ang limang three-pointers para sa ikalawang panalo sa apat na laro sa Disney World, sa kabila ng patuloy na pagkawala sa injury ni All-Star point guard Kemba Walker.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nag-ambag si Jayson Tatum ng 19 puntos, habang kumana sina Gordon Hayward at Robert Williams ng tig-18 puntos. Naitala ng Boston ang 20 of 39 sa 3-point range.

Ratsada ang Celtics sa simula tungo sa 71 puntos sa first half mula sa 8-of-17 shooting sa 3-point range. Umabot sa 21 puntos ang bentahe Boston.

Kumubra si Jeremiah Martin ng 20 puntos para sa Nets, habang nag-ambag si Joe Harris ng 14 puntos. Nalimitahan si Caris LeVert sa 13 puntos. Nagtala siya ng career-high 51 sa overtime victory ng Nets sa Celtics nitong Marso bago nasuspinde ang laro ng pandemic.

RAPTORS 109, MAGIC 99

Naisalba ng Toronto Raptors, sa pangunguna ni Fred VanVleet na may 21 puntos at 10 assists, ang matikas na ratsada ng Orlando Magic.

Nagsalansan si Pascal Siakam ng 15 puntos, habang kumana si Kyle Lowry ng walong puntos, siyam na rebounds at 10 assists.

Naitala ng Toronto (49-18) ang ikatlong sunod na panalo mual nang magbalik ang liga.

Namintis naman ng Magic (32-37) ang playoff spot matapos matalo ang Washington sa Philadelphia nitong Miyerkoles.

THUNDER 105, LAKERS 86

Ginulantang ng Oklahoma City Thunder, sa pangunguna ni Chris Paul na may 21 puntos, pitong rebounds at anim na assists, ang Los Angeles Lakers.

Humirit si Danilo Gallinari ng 19 puntos at tumipa si Steven Adams ng 18 puntos para sa Thunder (42-25), hindi nakatikim ng paghahabol sa Lakers para sa unang panalo sa apat na paghaharap sa season. Tumabla ang Oklahoma sa Houston para sa No.5 seed sa Western Conference.

Pumuntos si LeBron James ng 19 at may 11 rebounds para sa Lakers (51-16), at bumagsak sa 2-2 sa bubble.

JAZZ 124, GRIZZLIES 115

Kumana si Joe Ingles ng 25 puntos, tampok 12 sa final period para sandigan ang Utah kontra Memphis.

Nag-ambag si Mike Conley ng 23 puntos at pitong assists para sa Jazz (43- 25) laban sa dating koponan at makahirit sa No.4 spot sa Western Conference standings.

“We just moved that ball, and when we rotate it from corner to corner, I know it’s hard to defend,” sambit ni Conley. “When we get into that kind of rhythm and mode, it’s pretty tough.”

Nanguna sina Dillon Brooks na may 23 puntos at Grayson Allen na may career-high 20 puntos sa Grizzlies.