TOKYO ( AFP) — Minarkahan ng Japan nitong Huwebes ang ika-75 anibersaryo unang atomic bomb attack sa mundo sa isang simpleng seremonya.
Ang mga nakaligtas, kamag-anak at ilang bilang ng mga dayuhang dignitaryo ay dumalo sa pangunahing kaganapan sa taong ito sa Hiroshima upang ipanalangin ang mga namatay o nasugatan sa pambobomba at manawagan ng kapayapaan sa buong mundo.
Ngunit ang pangkalahatang publiko ay pinanood na lamang ang seremonya sa broadcast online.
Ang mga kalahok, marami sa kanila ang nakasuot ng itim at face mask, ay nag-alay ng tahimik na panalangin sa eksaktong 8:15 ng umaga (2315 GMT Miyerkules), ang oras na ang unang armas nukleyar na ginamit sa panahon ng digmaan ay ibinagsak sa lungsod.
Sa kanyang pagtatalumpati pagkatapos, nagbabala si Hiroshima mayor Kazumi Matsui na ang mundo ay dapat na magkaisa upang harapin ang mga pandaigdigang banta, tulad ng pandemya ng coronavirus, at upang magbigay ng babala laban sa nasyonalismo na humantong sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
“We must never allow this painful past to repeat itself. Civil society must reject self-centred nationalism and unite against all threats,” winika niya.
Ang sangkatauhan ay kailangang magkaisa “against threats to humanity and avoid repeating our tragic past,” dagdag ni Matsui, sa taunang panawagan para sa mundong walang armas nukleyar.
Ang pambobomba sa Hiroshima ay pumatay ng halos 140,000 katao, marami sa kanila agad, kasama ang iba na namatay sa mga linggo at buwan na sumunod, nagdurusa sa sakit na dulot ng radiation, malubhang pagkasunog at iba pang mga pinsala.
Pagkaraan ng tatlong araw, ibinagsak ng United States ang pangalawang atomic bomb sa Nagasaki, kung saan 74,000 katao ang napatay.
Ang anibersaryo ngayong taon ay binibigyang diin ang kumakaunti nang bilang ng mga nakaligtas sa bomba, na kilala sa Japan bilang “hibakusha”.
Karamihan sa mga natitira ay mga sanggol o mga bata ng mga panahong iyon, at ang kanilang gawain upang mapanatiling buhay ang memorya ng mga pambobomba at tumawag para sa isang pagbabawal sa mga armas nuklear ay higit na kailangan habang sila ay nagkaedad.
Ang mga aktibista at mga nakaligtas ay lumikha ng mga archive ng lahat mula sa naitala na patotoo ng hibakusha hanggang sa kanilang mga tula at guhit.
But many fear interest in the bombings is fading as they recede beyond the horizon of lived experience and into history.
Ngunit nangangamba ang marami na ang interes sa mga pambobomba ay kumukupas habang patungo sila sa takipsilim ng kanilang buhay at sa kasaysayan.
“Just storing a pile of records... is meaningless,” sinabi ni Kazuhisa Ito, ang secretary general ng No More Hibakusha Project, isang NGO na nagtitipon ng mga rekord at dokumento mula sa mga nakaligtas.
“What we want is to engage young people with this issue and exchange views with them, globally,” aniya sa AFP.