BEIRUT (AFP) - Kumukulo ang galit nitong Miyerkules habang pinaghahanap ng mga rescuer ang mga nakaligtas sa isang napakatinding pagsabog sa Beirut port na na nagdulot ng pagkawasak sa buong lungsod, pumatay ng hindi bababa sa 113 katao at libu-libo ang nasugatan.

Ang pagsabog noong Martes, na bunsod ng pagsilab ng napabayaang 2,750 tonelada ng pataba na ammonium nitrate sa isang bodega ng Beirut port, ay narinig hanggang sa Cyprus, mga 150 milya (240 kilometro) ang layo.

Niyanig nito ang kabisera ng Lebanese tulad ng isang lindol, na may dose-dosenang nawawala pa rin noong Miyerkules, at libu-libo pa ang nagsisiksikab sa mga ospital para sa paggamot.

Inilarawan ng isang doktor, na siya mismo ay nakabenda ang ulo, ang eksena na tulad sa “Armageddon”.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Wounded people bleeding out in the middle of the street, others lying on the ground in the hospital courtyard,” sinabi ni Dr Antoine Qurban sa labas ng Hotel Dieu Hospital sa central Beirut.

Habang sinisimulan na volunteers ang paglilinis, tumitindi ang galit ng mamamayan sa kung paano ang napakaraming highly combustible material -- na minsan ay ginagamit sa homemade bombs -- ay nakaimbak malapit sa isang mataong lugar sa loob ng halos anim na taon.

The government vowed to investigate and cabinet urged the military to place those responsible for storing the substance under house arrest.

Nanumpa ang gobyerno na siyasatin at hinikayat ng gabinete ang militar na ilagay sa house arrest ang mga responsable sa pag-iimbak ng sangkap.

Sa isang iglap, ang pagsabog ay nag-iwan ng pinasala na maihalintulad sa idinulot ng civil war sa bansa noong 1975-1990, na pinatag ang mga gusali hanggang ilang metro ang layo.

Sinabi ni city mayor Abboud na ang pinsala ay nag-iwan ng 300,000 kataong nawalan ng tirahan.

Nangako ang gobyerno ni Prime Minister Hassan Diab na “those responsible for this catastrophe will pay the price”.

Ang ammonium nitrate ay naimbak sa isang lumang bodega sa daungan na may mga bitak sa mga dingding nito, sinabi ng mga opisyal sa AFP.

Naglunsad ang security forces ng isang pagsisiyasat noong 2019 matapos may sumingaw na kakaibang amoy mula sa bodega, na nagtapos sa konklusyon na ang mapanganib na kemikal ay kinakailangan na alisin, ngunit walang isinagawang aksyon.