HINDI mangingiming magpataw ng kaparusahan na naayon sa alituntunin ng Games and Amusement Board at sa ipinapatupad na joint Administrative Order (JAO) sa mga atletang lalaban sa nasabing kautusan.
Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, klaro ang mga alituntunin na nakapaloob sa JAO at sinumang atleta o opisyal na paulit-ulit na lalabag ditto ay may karampatang kaparusan na itinatadhana ng batas.
Ang mga professional athletes at mga liga ay nasa ilalim ng pamamahala
ng GAB, habang ang mga amateur athletes naman at liga ay pinapahalaan ng PSC.
Gayunman, ang ipapataw na parusa ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng mga top officials ng mga professional leagues na kamakailan ay pinayagan na simulan ang pagsasagawa ng ensayo habang nasa ilalim ng General Community Quarantine ang Metro Manila.
“Since meron nang JAO and sa amin na ibinigay yung load, kami na ang mag-i-impose ng sanctions. In case something happens and there may be violations, we will be there,” ani Mitra.
Ngunit, nitong Agosto 4 lamang nang muling ibalik ni Pangulong Duterte
sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Kalakhang Maynila dahil sa lumalaking bilang ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Mitra, may karapatan umano sila na suspindihin ang lisensya ng sinumang professional athlete o liga kung sakaling mapatunayan na lumabag ito sa patuntunan ng JAO.
“Kung talagang paulit-ulit ay puwede sigurong suspendihin at eventually, kung talagang matigas ang ulo, tanggalan ng professional license. We can do that dahil meron na ring JAO,” sambit ni Mitra.
Ikinatuwa naman ni Mitra ang pakikipagtulungan ng mga opisyales ng mga professional leagues gaya ng PBA at Philippine Football Federation (PFF).
“So far yung mga leagues naman sila na mismo (ang kumikilos).
Nau-unahan parati ang GAB, kasi kami we want to hear both sides, we want due process. And we’re doing several things. Unlike ang PBA, nakatutok lang sa PBA, ang PFLnakatutok lang sa PFL,” ayon sa dating Palawan Governor at Congressman.
-Annie Abad