MAY reaction ang mga taga-showbiz sa ibinulgar ni resigned PhilHealth anti-fraud legal officer Thorsson Montes Keith na P15 billion na pera ng mamamayan na ibinabayad sa Philhealth ang nakulimbat ng execom members sa iba’t ibang paraan at raket.

Nakakatakot pa ang sinabi ni Philhealth Director Ricardo Morales na baka sa 2022, bankrupt na ang Philhealth na kinontra ng isang empleyado ng Philhealth. Hindi na

raw aabot sa 2022 ang pondo ng ahensya dahil sa 2021 pa lang, maba-bankrupt na ang Philhealth dahil sa pangungurakot ng ilan nitong opisyal.

Zsa Zsa Padilla: “Para yan sa kalusugan ng taong bayan na pinatrabahuan. Ano na, Philhealth? Ibalik nyo ang pera!!! President Duterte, parang awa nyo na.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Jim Paredes: “And I am sure no one will go to jail.”

Bianca Gonzalez: “15 BILLION PESOS. Iniisip mo pa lang kung gaano kalayo ang mararating ng 15 Billion pesos sa Covid response.

Jason Abalos: “ Woow!! Kawawang Pilipinas, nakakawalang pag asa.”

Winwyn Marquez na emoji ng taong disappointed ang pinost. Siguradong masusundan pa ang kanilang bilang sa mga susunod na araw dahil pera ng mga member ng Philhealth ang nakataya na halos lahat ng Pilipino ay miyembro.

-Nitz Miralles