MAGIGING controversial na naman nito si Kris Aquino dahil sa pahayag na hindi siya sang-ayon sa teaching ng Catholic Church tungkol sa divorce.
Kung tatanungin si Kris, pro-divorce siya at payag magkaroon ng divorce sa Pilipinas, ito ay kung magiging Presidente siya ng kahit isang araw lang. Inalala nito ang pinagdaanan sa annulment process nila ng ex-husband na si James Yap. Ang description nga ni Kris sa hirap na kanyang pinagdaanan ay “terrible experience” na ayaw niyang maranasan ng ibang tao.
“I’m sorry, Catholic Church, please don’t get mad at me. For one day, I want to be President-on the day na ira-ratify na magkakaroon ng divorce sa Philippines, para pirmahan. My reason is simple, because you wouldn’t be annulled in the church. Your church marriage, it’s a different process, but I believe that going through an annulment is a very difficult process, and it’s expensive. I believe that women and men should have equal rights about this.
“I apologize sa mga LGBT, kasi, alam kong malayong-malayo pa ang kailangan nating lakbayin bago magkaroon ng same-sex marriage. Pero ang divorce... sa sagot kong ‘yan, ha, alam niyo na! Hindi ako tatakbo for anything in 2022! Pero ayoko nang pagdaanan ever again o ng kahit sino man, ‘yung proseso ng pagpapa-annul. Kasi, puwede naman talaga ang divorce. And separation naman ‘yan, eh, of church and state,” pahayag ni Kris mula sa video ng Cornerstone Management na management company ni Kris.
Anyway, sa August 15, 5pm., na ang premiere ng talk show ni Kris sa TV5 na Love Life with Kris. Si Gab Valenciano ang director ng talk show na pagbabalik ni Kris sa telebisyon.
-NITZ MIRALLES