Hindi dapat ibunton ng publiko ang lahat ng sisi kay Health Secretary Francisco Duque III partikular na may kaugnayan sa patuloy na krisis sa kalusugan, sinabi ni Senador Richard Gordon nitong Martes.
Sinabi ng mambabatas sa isang panayam ng CNN na kung mayroon mang dapat sisihin ay “tayo”.
“Lahat tayo, we don’t follow the restrictions, we don’t follow distancing, we don’t follow masks, we don’t follow the washing of hands,” aniya.
Ipinunto ng senador sa gitna ng panawagan ng pagbibitiw ni Duque sa puwesto.
Pinananatili ni Gordon ang mga humihingi ng pagbibitiw sa Duque na mayroon lamang “axes to grind.”
Kahit na naniniwala siya na si
Duque ay mayroong mga pagkuulang sa pagtugon sa 2019 novel coronavirus disease (COVID-19), pinanindigan ni Gordon na, “you don’t change horses in the middle of the stream.”
“Kung inaakala ng mga tao, ng Presidente, [na] kailangan palitan... they better get [a] good one,” sinabi niya.
“Dapat may transition yan,” dagdag niya.
Ayon pa kay Gordo “it might be the time to go already” kung hindi na kapani-paniwala ang Department of Health (DOH).
Sa kabilang banda, inaasahan ng senador na ang mga pagdinig ng Senado na tungkol sa katayuan, kakayahan at plano ng bansa upang labanan ang pandemya ng COVID-19 ay magsisimula sa linggong ito.
-Jeffrey G. Damicog