Sinabi ng Philippine College of Physicians (PCP) nitong Lunes na kailangan ng “standard way” sa pagpapatupad ng mga hakbang sa kalusugan upang maayos na makontrol ang pagkalat ng sakit na coronavirus (COVID-19) sa bansa.

Sinabi ni Dr. Mario Pangilinan na isa sa mga pangunahing problema na nag-aambag sa pagkalat ng sakit ay ang hindi magandang pagpapatupad ng mga panukala sa kalusugan ng local government units.

“There are some measures that are not implemented properly, when I say ‘properly,’ these are scattered, there’s no unifying or standard way of implementing all these measures to control the spread and transmission of the disease,” sinabi ni Pangilinan sa DZMM Teleradyo nitong Lunes.

Sinabi ni Pangilinan na sa mga barangay, ang mga tao ay nakikihalubilo pa rin sa bawat isa dahil sila ay asymptomatic.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“That can initially cause the spread [of the virus],” anang medical expert.

Sinabi rin ng bise presidente ng PCP na ang ilang mga lugar ay nabibigo din na ipatupad ang wastong social

distancing, na maaaring makabawas sa transmission ng 78 porsiyento.

Sinabi ni Pangilinan na ang Inter-Agency Task Force at ang medical community ay dapat na gumawa ng “combined program of action in implementing all effective interventions to prevent the further transmission of the disease.”

Hindi rin ipinapayo ni Pangilinan ang rapid antibody tests para sa asymptomatic individuals dahil hindi ito kailangan.

“The best that we recommend is actually just the 14 days. Meaning, if you get exposed, then observe and monitor for signs and symptoms. If they don’t develop any symptoms, they are already cleared after 14 days,” dadgad niya.

Hindi rin inaprubahan ng medical expert ang paglalagay ng plastic barriers sa mga bus at iba pang uri ng public transportation.

Kapag hindi na-disinfect nang maayos, sinabi ni Pangilinan na “the plastics can easily be contaminated and it can actually cause the spread.”

-NOREEN JAZUL