Ni Edwin Rollon

BALIK sa baol ang mga kagamitan ng Pinoy pro athletes.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ipinahayag ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na mauudlot ang pagbabalik sa pagsasanay ng mga atletang lisensiyado at sanctioned ng ahensiya bunsod nang kagyat na paghihigpit ng quarantine level sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Mitra

Mitra

“In light of President Duterte's approval of the IATF's  recommendation to revert Metro Manila and the provinces of Bulacan, Cavite, Laguna and Rizal to modified enhanced community quarantine from August 4 to 18, 2020, the resumption of professional sports trainings will be delayed for couple of days,” pahayag ni Mitra sa opisyal na pahayag ng GAB.

“At this juncture, we will implement the provisions of the GAB-PSC-DOH Joint Administrative Order; thus, when a particular area is under MECQ, only individual sports or physical activities shall be allowed (e.g. outdoor walk, jogging/running, biking, etc.)

“With regard to the resumption of PBA, Chooks-to-Go 3x3, and PFL's trainings, there will be a slight delay. But rest assured that the GAB will take advantage of this temporary halt to prepare our stakeholders in order to ensure the safe return of activities related to professional sports,” ayon sa dating Palawan Governor Congressman.

Nitong Linggo, tinanggap ng Pangulong Duterte ang kahilingan ng mga medical frontliners, sa pamamagitan ng Health Secretary at IATF member Francisco Duque ang muling paghihigpit sa quarantine upang mas mapigilan ang paglaki ng bilang ng mga nahahawa sa coronavirus (COVID-19).

“Malaking dagok ito sa ating mga atleta. After mabigyan natin ng go signal para sa pagbabalik ng training, talagang may nakita silang pag-asa para sa kabuhayan nila. But still, konting pasensya at talaga namang prioridad ng ating pamahalaan ang kalusugan ng mamamayan,” sambit ni Mitra.

Kamakailan, nalagdaan ng IATF ang mga hinain na rekomendasyon at programa sa Joint Administrative Order (JAO) ng GAB, DOH at Philippine Sports Commission (PSC) para makabalik na sa training ang PBA, PFL at contact sports na boxing, mixed martial arts at muay thai.

Tinanggap din ng GAB ang aplikasyon ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3, na pinamumunuan ni commissioner Eric Altamirano, bilang pinakabagong professional league sa bansa.

Aprubado na rin ng GAB ang programang ‘bubble’ ng liga na nakatakda sanang simulan ang ikalawang season sa Setyembre.