PATULOY ang pagtaas ng level ng performance ni pole vaulter EJ Obiena habang papalapit ang 2021 Tokyo Olympics.
Nagwagi ng silver medal si Obiena sa pagbabalik aksiyon ng kompetisyon sa Italy sa ginanap na 13th Triveneto International Meeting. Mahigit anim na buwan nang nagsasanay ang 26-anyos sa naturang bansa.
Naitala ni Obiena ang 5.45- meter marka para semugunda kay Brazilian Thiago Brah (5.50m) na siya ring Olympic record holder. Nakuha ni
Local star Max Mandusic ang bronze sa naitalang 5.35.
Dahil dito ay mas lumaki ang pag-asa ng Pinoy na makahirit sa Olympics na determinadong ituloy sa Tokyo sa Hulyo. Si Brah ang siyang nag-wagi ng gintong medalya sa pole vault sa 2016 edition sa Rio de Janeiro.
-Annie Abad