NAKASISURO na ng slots ang Pilipinas at Japan bilang co-hosts ng 2023 FIBA World Cup, ngunit hindi ang isa pa nilang co-host na Indonesia.

Ito ang isiniwalat ng pamunuan ng FIBA matapos ang kanilang executive committee meeting nitong Lunes.

Ayon sa world governing body ng basketball, kapwa lumahok sa nakaraang taong edisyon ng quadrennial event ang Pilipinas at ang Japan at bilang mga hosts ay seeded na sila sa main tournament bilang mga direct qualifiers.

Huling nakapag host ang bansa ng FIBA World Cup noong 1978 sa Araneta Coliseum sa Quezon City habang 2006 naman huling nakapag host nito ang Japan.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa kaso naman ng isa pa nilang co-hosts sa 2023 FIBA World Cup na Indonesia, ayon sa pamunuan ng FIBA, kinakailangan nitong sumali sa susunod na taong FIBA Asia Cup upang mag qualify dahil ni minsan ay hindi pa ito nakapaglaro sa World Cup.

Kinakailangan ng Indonesia na pumasok sa Top 8 ng FIBA Asia Cup upang makakuha ng slot sa FIBA World Cup.

Nangangahulugan na dapat silang umabot ng quarterfinals ng FIBA Asia Cup para makasali sa unang pagkakataon sa FIBA World Cup.

Kung magtatagumpay ang Indonesia, mababawasan ng isa ang bilang ng slots na nakalaan sa Asia- Pacific para sa FIBA World Cup. At kung hindi naman, susuong pa ulit ang mga Indons sa FIBA World Cup Qualifiers.

-Marivic Awitan