WALA pang kongkretong desisyon ang Philippine Olympic Committee (POC) na pinamumunuan ni Cavite Rep. Abraham "Bambol" Tolentino tungkol sa mga amyenda ng POC charter, partikular ang isyu sa age cap.

      Karamihan sa mga opisyal ng POC board ay kontra sa isinusulong na age limit ng Tolentino faction na 70-anyos. Nais ng grupo ni POC chairman Steve Hontiveros na ang age cap ay maging 80  o kaya naman ay alisin na ang paglimita sa edad para tumakbo sa mga posisyon sa POC.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

      Naniniwala ang ibang miyembro at pinuno ng POC na taktika ng grupo ni Tolentino ang 70-year age cap para hindi makalahok sa halalan ang mga tao na lampas sa 70 taong gulang, gaya nina Hontiveros at Jose Romasanta, at iba pa. Itinanggi ito ng Kinatawan ng Cavite.

      Batid ng International Olympic Committee (IOC) ang umiiral na balitaktakan sa POC. Alam din naman ng POC na isang private entity, na ang IOC ay isang governing body na hindi nakikialam sa mga internal matter o problemang-panloob ng POC.

      Si Mikee Cojuangco-Jaworski ay miyembro ngayon ng IOC at nagsisikap na tumulong para maayos ang ano mang gusot sa POC.

      Inaasahang magkakaroong muli ng pagpupulong para pag-usapan ang panukalang mga pagbabago sa POC charter.  Bert de Guzman