SINISIKAP ng Department of Tourism (DoT) na masiguro ang mga panuntunanang pangkalusugan at kaligtasan sa mga tourism destination sa bansa at tiniyak sa mga stakeholder ang lubusang suporta ng pamahalaan habang inihahanda na ang industriya sa unti-unting pagbubukas.

Ito ang pagsisiguro ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Tourism Congress of the Philippines (TCP), kamakailan sa gitna ng panawagan ni Pangulong Duterte sa mga Pilipino na tumulong sa pagpapalakas ng ekonomiya sa pamamagitan ng lokal na paglalakbay, sa ginanap na State-of-the-Nation Address noong Hulyo 27.

“The DOT continues to outline plans of action and protocols at every tourist site in the country, particularly, the premier destinations of Palawan, Boracay, Bohol, Davao, and Baguio City,” pahayag ni Puyat.

Idinetalye ng kalihim ang mga hakbang na ginagawa ng DoT sa isang liham kay TCP president Jose Clemente III. Ang TCP ay isang pribadong organisasyon ng tourism stakeholders na nilikha ng batas upang makipagtulungan sa DoT sa pagsusulong ng turismo sa bansa.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Inaasahang bubuhay ang proyektong Transforming Communities towards Resilient, Inclusive, and Sustainable Destinations or TouRIST, katuwang ang Asian Development Bank (ADB), sa tatlong pangunahing tourism sites at magkakaloob ng teknikal na tulong para sa emergency health services sa El Nido, Palawan.

Makikinabang naman ang Coron, mula sa kolaborasyon ng DOT-ADB collaboration para sa restoration ng apat na tourism site sa lugar, pagsasaayos ng drainage, social enterprise support and livelihood development, at pinakamahalaga, technical assistance.

Gugugol ang unang bahagi ng ADB loan program ng $50 million na nakatakdang iimplementa sa unang bahagi ng taon, ayon sa kalihim.

Ang Bohol, na isa ring ‘prime destination’ sa ilalim ng TouRIST program, ay inaasahang tatanggap ng $62-million pondo mula sa World Bank sa unang bahagi ng 2021, ayon kay Puyat.

Gagamitin ang pondo para sa local economic development initiatives tulad ng Assistance to Reinvigorate Tourism (ART) Value Chain, ang Palengke Program, at pagpapaganda ng mga tourism sites, gayundin ang management and enhancement of hygiene preparedness sa mga lugar.

Kapwa ipagkakaloob ng World Bank at ADB ang loans at technical assistance upang mapaunlad at mapatakbo ang mga tourist destinations sa isang “sustainable, resilient, and inclusive manner.” Magkakaloob din ang TouRist project ng tulong para sa mga isla ng Siargao at Siquijor.

Tutulungan ang Siargao para sa hygiene preparednessng mga tourist sites, habang magkakabit naman ng mga solar-powered street lights para sa SAFER Siquijor Project.

Samantala, binigyang-diin ni Puyat ang pagbibigay ng mahahalagang medical equipment upang masiguro ang kahandaan ng Boracay Island sa mga sitwasyong may kinalaman sa COVID-19.

Aktibong nakikipag-ugnayan ang DoT sa pribadong sektor upang makapagbigay rin ng katulad na tulong, ang RT-PCR Machines at RNA extractor, sa lokal na pamahalaan ng Davao. Gagamitin ito sa COVID-19 Laboratory sa Francisco Bangoy International Airport.

Para sa Baguio City, naglaan ang DoT, sa pamamagitan ng Tourism Promotions Board the (TPB), P7.2 million upang pondohan ang limang rebranding projects, kabilang ang Visitors Management System Application- isang multi-platform digital system na mamamahalaga at magmo- monitor sa pagdating mga turista sa siyudad at pagsusulong ng “new normal” protocols and practices.

Iginiit naman ng kalihim na sa paglalabas ng new normal guidelines ng DoT. “We can never be too prepared and ready for the slow but sure tourism restart. Health and safety still remain the utmost priority, not just of the tourists and tourism workers, but also of the locals at every destination.”

PNA