Sinabi ni Pangulong Duterte nitong Biyernes na ang mga anti-COVID 19 na bakuna ay magiging libre at ang mga mahihirap at may sakit na Pilipino ang magiging prayoridad ng mga tatanggap.

Sa isang nakarekord na pampublikong pahayag, sinabi ni Duterte na ang mga bakuna ng COVID-19 ay libre para sa mga Pilipino at ang mga prayoridad na tatanggap ay ang mga tumatanggap ng cash aid mula sa gobyerno at mga maysakit.

Sinabi niya na habang ang ilan ay maaaring samantalahin ang libreng bakuna, nanumpa siyang pananagutin ang mga taong susubukang pagkakitaan ang mga ito.

Nagbanta pa ang Punong Ehekutibo na papatayin ang mga mapagsamtalang ito.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“Maraming palusot na nagpapabili, na humihingi ang the worst baka maghingi pa ng bayad. Mapatay talaga kita. T***, totoo,” sinabi.

“Puntahan kita doon. Baka akala mo. Bababa ako dito, puntahan kita,” dagdag.

Hinahangaan ni Duterte ang China sa pagsabi sa publiko na ang Pilipinas ay magiging isa sa mga unang bansa na makatanggap ng COVID-19 na bakuna kapag nakumpleto na.

Ayon sa Pangulo, sa sandaling makuha ng bansa ang mga bakuna, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mangangasiwa habang ang medical professionals at health care workers ang mangangasiwa ng pagbabakuna.

“This will remove partisan, favoritism; this will remove petty corruption... However you do it, I don’t care. I just want a unified monitoring pati supervising authority, and that is the military,” sinabi ni Duterte.

“I know what you should be doing. I do not have to tell you about it. Must be under the general supervision and monitoring of the military,” dagdag niya.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS