WASHINGTON (AFP) - Nagmunglahi si US President Donald Trump nitong Huwebes na ipagpaliban ang halalan 2020 -- na ipinapakita sa mga survey na matatalo siya -- sinabi na ang mgabpagtatangka na magbigay ng ligtas na pagboto sa panahon ng pandemya ay magsusulong ng pandaraya.

Trump (AFP)

Trump (AFP)

“Delay the Election until people can properly, securely and safely vote???” tanong ni Trump, na haharapin si Democrat Joe Biden sa Nobyembre 3, sa isang tweet.

Sinabi ni Trump na ang pagtaas ng mail-in voting, isang paraan para makaboto ang mga tao nang hindi inilalagay sa alanganin ang kanilang mga kalusugan sa polling stations, ay mauuwi sa “the most INACCURATE & FRAUDULENT Election in history. It will be a great embarrassment to the USA.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ngunit ilang oras lamang ang lumipas ay binawi niya ito.

“I don’t want a delay” ng eleksiyon, sinabi ni Trump sa news briefing sanWhite House, ilang oras matapos ang post niya sa Twitter: “Delay the Election until people can properly, securely and safely vote???”

Si Trump ay walang constitutional authority para pigilan ang halalan.

“Trump can tweet all he wants, but the reality is that he can’t delay the election, and come November, voters will hold him accountable,” reaksiyon ng Democratic National Committee sa isang pahayag.