Ipinag-utos ng Manila City government ang pansamantalang pagsasara ng Ospital ng Maynila (OSMA) nang magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 15 sa health workers nito.

Paliwanag ni Mayor Isko Moreno, layunin ng 10 araw na pagsasara mula kahapon hanggang Agosto 9 na bigyang-daan ang sanitation at disinfection activities.

Sa loob ng nasabing panahon, tutukuyin din ng pamahalaang lungsod ang mga healthcare worker na na-expose din sa virus.

Habang sarado ang pagamutan, lahat ng serbisyo nito ay suspendido muna, maliban sa laboratory operations (daily swabbing at IgG Serology), radiology, animal bite treatment center (follow-up lamang), extreme emergency, at telemedicine.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ang mga naka-confine naman na sa ospital ay patuloy na pangangalagaan ngunit ang mga incoming patient ay ire-refer na muna sa ibang city-owned hospitals.

-Mary Ann Santiago