DI ko mapigil na maibulalas ang aking paghanga kay dating Mandaluyong Mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr., hindi bilang isang pulitiko, bagkus dahil sa pagiging natatangi niyang anak na handang isakripisyo ang kanyang sariling kalusugan at buhay upang mapangalagaan lamang ang kanyang pinakamamahal na ina.
Sintigas ng bakal ang aking damdamin, subalit nagpupusong mamon akong palagi sa mga senaryong namamayani ang pagmamahalan sa loob ng isang pamilya, lalo na ang pagpapakita ng mga anak ng lubos pagmamahal at pagkalinga sa kanilang mga magulang.
At ito ang nakita kong kakaiba kay Benhur – mabibilang na lamang siguro sa mga daliri ang ganitong attitude sa mga kasalukuyang anak -- nang maospital ang kanyang mga magulang na sina dating COMELEC chairman Benjamin Abalos Sr., at asawang si Corazon, nagpumilit siyang makasama ang mga ito sa loob ng ospital upang mabantayan at personal na maalagaan.
Nagpumilit sa Benhur na samahan ang mga magulang, unang-una ay para ‘di malayo sa kanyang pinakamamahal na Ina na sinasabing bukod sa mahina ang katawan ay may mga sintomas ito ng karamdamang Alzheimer’s o dementia.
Nabagbag ako sa tinuran ni Benhur na di niya mapapayagan na isang araw ay magising sa loob ng ospital ang kanyang Ina na nangangapa sa paligid nito, pilit na kinikilala ang mga taong nasa paligid niya.
Sa isang radio interview sinabi ni Benhur: “Pag sinusumpong siya (Ina) ng kalimot ako lamang ang tanging nakikilala niya.”
Pahabol niya nang pabiro: “Siguro dahil bata pa ako ay lagi niya akong pinagagalitan kaya ako lang ang natatandaan niya!”
Hulyo 17 nang magpositibo ang mag-asawang Abalos sa COVI-19 at agad na ma-admit sa isang ospital sa mandaluyong City.
Malakas ang katawan at walang senyales ng sakit si Benhur nang magpilit itong samahan sa ospital ang mga magulang sa gitna nang pagtutol ng ilang awtoridad sa ospital.
Ngunit nangibabaw pa rin siyempre – ang pagmamahal ng anak sa magulang – ang kagustuhang ni Benhur na di malayo sa tabi ng mahal niyang Ina.
“The most critical day was July 19, my birthday. I thought i almost lost my mom. I was hugging her while giving her instructions & whispered to her the prayers of the rosary, with tears flowing down my eyes. I opened myself to infection. I know this & I accept it. 3 days ago, i felt joint pains, coughs, sore throat, burning sensation of the skin,” kuwento ni Benhur.
Nagpa-test siya at lumabas na positibo na rin siya COVID-19.
Aniya: “I’m 100 percent fit and healthy. My X-ray results show that my lungs are both very clear. COVID only affected me minimally; the worse effect is one episode of diarrhea.”
Sa kanyang FB account, nagpasalamat sa mga kaibigan at bahagyang nagkuwento pa si Benhur: “Thank you for all your support & prayers, my Mom & Dad’s condition are continually improving. My Dad’s x-ray has greatly improved; it has a lot of black areas, meaning there’s already a lot of oxygen. Although my mom is still intubated, her vital signs have stabilized & are continuously improving. Certain chemicals for the heart, are removed & no longer needed.”
Ayon naman sa mga nakakuwentuhan ko na kasing edad kong mga “baby boomer” – parang madalang na ang ganitong pag-uugali ng mga kabataan sa ngayon, na marahil ay impluwensiya ng mga makabagong gadget na nagsusulputan, na labis na pinag-uubusan ng oras ng millennial.
Bigla tuloy pumasok sa aking isipan ang gintong talata na ito mula sa Holy Bible: “A wise son makes a father glad, but a foolish man despises his mother.” - Proverbs 15:20
Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]
-Dave M. Veridiano, E.E.