BERLIN (AFP) - Isa sa limang mga pasyente na naospital sa Germany dahil sa coronavirus ay namatay sa sakit, na ang antas ng pagkamatay ay tumataas sa 53 porsyento para sa mga nakatanggap ng bentilasyon, ipinakita ng isang pag-aaral nitong Miyerkules.
Ang mga datos ng 10,000 mga pasyente na ipinasok sa 930 German hospital sa pagitan ng Pebrero 26 at Abril 19 ay nasuri ng German Interdisciplinary Association of Critical Care and Emergency Medicine, Technical University of Berlin at AOK health insurance group’s research arm na WIdO.
Ang mga pasyenteng lalaki na naospital ay may mas mataas na antas ng namamatay kaysa sa mga kababaihan, na may 25 porsyento kumpara sa 19 porsyento.
Ang mga matatandang pasyente ay mas mahina din, dahil 27 porsyento ng mga pasyente sa kanilang edad na 70 ay namatay habang 38 porsyento ng mga nasa 80 taong gulang pataas ay hindi nakaligtas.
“These high mortality rates clearly show that a relatively high number of patients with a very serious course of disease were treated in hospitals,” sinabi ni Juergen Klauber, director ng WIdO.
“Such serious course of diseases mainly affect older people and people whose health is already compromised, but also occur in younger patients,” babala niya, hinihimok ang populasyon na gumawa ng mga kinakailangang pag-iingat upang maiwasan ang mga bagong impeksyon.
Sa 10,021 na mga pasyente, 1,727 ang binigyan ng mekanikal na bentilasyon. Habang halos dalawang beses sa maraming tumanggap ng bentilasyon ay mga kalalakihan, ang mga antas ng namamatay ay magkatulad sa parehong kasarian, sinabi ng pag-aaral.
Ang mga pasyente ay nanatili sa mga ospital sa average na 14 na araw, kasama ang mga wala sa bentilasyon na na-ospital sa average na 12 araw habang ang tagal para sa mga nangangailangan ng tulong sa paghinga ay tumaas sa 25 araw.
Binanggit ni Reinhard Busse, propesor ng pamamahala sa pangangalaga ng kalusugan sa TU Berlin, na sa average, 240 araw ng bentilasyon ang kakailanganin para sa bawat 100 na naitalang pasyente.
Ito ang mga mahahalagang numero upang maghanda para second wave ng pandemya.
“However, we do not anticipate any problems with normal hospital beds, even with high infection rates,” dagdag niya.
Hanggang Miyerkules, naitala ng Germany ang 206,926 kaso ng mga impeksyon kabilang ang 9,128 na pagkamatay.