SA GMA artists ay si Jennylyn Mercado ang masasabi naming palaban at talagang sinasabi niya ang saloobin niya sa Duterte administration.

jennylyn

Aware naman si Jennylyn na simula palang nu’ng punahin niya ang maling nakikita niyang palakad ng gobyerno ay kaliwa’t kanan ang bashers niya mula sa DDS supporters.

Sa ikalimang State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ay idiniin ni Jennylyn na hindi dapat purihin ng husto ang mga ginagawa ng gobyerno sa sambayanang Pilipino lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

Obligasyon ng mga taong nasa posisyon ang pangalagaan at tugunan ang pangangailangan ng publiko dahil ito naman talaga ang trabaho nila bilang ibinoto sila ng taumbayan na naniniwala sa kanila.

Base sa tweet ni Jen, “The role of the government is to promote the welfare of this country sa kahit ano mang sitwasyon. That is why any progress or positive action na nagawa nila ay hindi na kailangan bigyang puri dahil ‘yun naman talaga ang trabaho nila.”

Ang dapat daw pasalamatan at bigyang parangal ng pamahalaan ay ang lahat ng frontliners na nagbubuwis ng buhay sa paglaban sa COVID-19.

“Ang mga tao na dapat bigyang pugay ay ang ating mga makabagong bayani. Maraming salamat sa ating mga doctors, nurses, teachers, mga sundalo, at ang iba pang mga frontliners na patuloy ang serbisyo sa ating mga Pilipino. Saludo po kami sa inyo. Maraming maraming salamat,” sabi pa ng aktres.

Natanong din kung anong plano ng gobyerno sa COVID-19 dahil hindi naman ito binanggit.

“Sige po. Pero ano po ang plano? Isa sa mga realizations ko recently ay it’s never too late na i-educate ang sarili sa mga nangyayari sa bansa. Responsibilidad mo yun bilang Pilipino. To speak about it is doing the bare minimum. Let’s start a conversation. Marami pa akong gustong matutunan,” pahayag ni Jennylyn.

-Reggee Bonoan