Handang sumunod sa patakan si SEA Games gold medalist karateka Jamie Lim, alinsunod sa ipatutupad ng Philippine Sports Commission (PSC).

HINDI napigilan ni Jamie Lim ang mapaluha sa labis na kasiyahan habang inaawit ang Pambansang Awit sa awarding ceremony ng kanyang tagumpay sa karate event. (RIO DELUVIO)

Jamie Lim (RIO DELUVIO)

Ayon sa anak ng PBA Skywalker na si Samboy Lim, handa siyang sumunod sa anumang alituntunin na ipatutupad para sa pagsisimula ng training kung kinakailangan.

“Of course, we’ll really comply with the [bubble idea] and we’ll do

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

everything we can for the preparation, and if that entails the best

preparation for Olympic qualifiers, we’ll do that,” pahayag ni Lim sa isang panayam sa kanya.

Kamakailan ay nagpalabas na ng pahayag ang PSC na pinapayagan na ang pagsisimula ng training, lalo na sa mga Olympic qualifying games at mga atletang sasabak mismo sa Olimpiyada sa susunod na taon.

Kalakip ng nasabing pagpayag ang ilang mga kondisyon upang maayos na maipatupad ang paghahanda para sa nasabing quadrennial meet.

Nagsanib-puwersa ang PSC at ang Games and Amusement Board, pati na ang Department of Health upang hilingin sa IATF na payagan ang mga professional games at amateur games na magsimula na ng ensayo para sa kanlang mga atleta.

Target ni Lim na makapasok sa Olympics, kaya naman hinihintay niya ang pagkakataon na makapag-ensayong muli upang paghandaan ang World Olympic qualifying tournament na nakatakda sana noong Mayo sa Paris, France, na naantala nitong Hunyo sanhi ng pandemya.

“Noong nakuha na ‘yung news na the Olympics and qualifiers will be moved next year, ‘yung Karate Pilipinas coaches gumawa po sila ng training program for us to keep every day, and so weekly mayroon din kaming Zoom trainings with our coaches and ‘yung buong team,” aniya.

“So I think we’re doing well in preparing. Lahat po kami nakaka-adapt sa situation and kahit small ‘yung space nagagawan ng paraan, and hindi po kami pinapabayaan ng coaches namin,” ayon pa sa kanya.

-Annie Abad