BALIK na si Iya Villania sa pagho-host ng Chika Minute segment ng 24 Oras at sa siglang ipinakita nito sa pagbabalik-trabaho, parang hindi siya nanganak. Hindi man lang yata inabot ng two weeks ang maternity leave ni Iya at sumabak na sa trabaho. Ang kaigihan lang, work from home siya at kahit nagtatrabaho, hindi niya kailangang umaalis ng bahay, kaya naaalagaan pa rin ang baby daughter nila ni Drew Arellano na si Baby Alana.

Samantala, hindi lahat natuwa sa post ni Iya ng before and after delivery photos niya dahil makikitang lumiit agad ang tiyan at para ngang hindi nanganak. Sabi ng netizens, napi-pressure ang mga mommy lalo na ang mga bagong panganak na mag-workout agad after giving birth para magaya sila kay Iya.

Ito’y kahit sinabi ni Iya na gumamit siya ng binder at ang diet niya ay mixture ng nutritious and food that makes her happy. Ang workout naman niya ay breastfeeding.

Sabi ni Iya: “Crazy what a mother’s body goes thru! Being so much kinder and patient with my body this time. My body isn’t where I want it to be but I’m okay with that. It will take time and I’m in no rush. Work starts this week but waiting it out another week before I really get moving and ease back into my regular grind. Reminding myself that recovery is just as important and enjoying every minute of it, but I can’t wait to sweat again! Will fill you guys in with my journey including all the things that I feel have been helping me recover this time around. #RecoveryAfter3.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero, mas marami ang natuwa sa post ni Iya dahil nabigyan niya ng inspirasyon ang mga buntis at manganganak pa lang kung ano ang dapat gawin para bumalik sa pagka-fit ang katawan. Sa nabasa nga naming comment, ang daming nanganak na hindi gumamit ng binder, kaya lawlaw ang kanilang mga katawan.

-Nitz Miralles