CAGAYAN – Nasa 51 na ang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cagayan.
Sa pahayag ng Provincial Health Office, ang nasabing mga kaso ay naitala mula sa 15 bayan at lungsod.
Pinakamaraming kasong naitala ang Iguig na nasa siyam na sinundan ng Tuguegarao City na mayroong walong kaso at pito naman sa Tuao.
Nakapagtala naman ng limang kaso ang bawat lugar ng Alcala at Peñablanca, tatlo sa Lal-lo, tig-dalawang kaso sa Calayan, Enrile, Lasam, Piat at Solana. Habang tig-isang kaso sa Baggao, Gattaran, Gonzaga at Rizal.
Sa ulat mula sa Cagayan Provincial Infromation Office, bahagyang tumaas ang bilang ng Persons Under Monitoring (PUMs) kung saan mula sa 6,065 ay naging 6,106 ika- 29 ng Hulyo.
Ang kabuuang bilang ng PUMs ay pinakamarami ay mula sa National Capital Region (NCR) na tatlo, 118 ang mga lokal o nagmula sa mga karatig na probinsya.
Iniulat din na karamihan sa mga nagpopositibo ng virus ay pawang locally stranded individuals (LSIs) at overseas Filipino workers.
-Liezle Basa Iñigo