Pinangunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang isang linggong webinar para sa mga national para-athletes at coaches, kaugnay ng pagdiriwang ng 42nd National Disability Prevention and Rehabilitation ng National Council on Disability Affairs (NCDA).

Tinagurian na “Para sa PARA-Athletes: Isang selebrasyon ng pagpupugay at pasasalamat sa mga natatanging Filipino Para-Athletes,” makakatuwang ng PSC Sports Rehabilitation Unit ang Philippine Paralympic Committee (PPC) upang magsagawa ng mga serye ng mga online seminar para sa mga aatleta na may ibang kakayahan.

“Our goal is to raise social media awareness about para-sports, para-athletes and persons with disabilities, and recognize their achievements for the country,” pahayag ng PSC Sports Rehabilitation OIC na si Rico Barin.

Malaki naman ang pasasalamat kapuwa nina PPC President Mike Barreto at Secretary-General na si Walter Torres kay PSC Chairman William “Butch” Ramirez at sa Sports Rehabilitation Unit.

Probinsya

Simbahan sa Pampanga, humingi ng dispensa sa mga nasunugan ng balat noong Ash Wednesday

“We thank Chairman Ramirez for making sure that our para-athletes are educated on sports psychology programs like this to reinforce their training and skills,” pahayag ni Barredo.

Malaking tulong naman umano ito sa pagbibigay ng lakas ng loob at moral support sa mga para athletes ayon kay Torres.

“This tribute given to our para-athletes during the NDPR week is a boost in their morale self-esteem, especially at times like this when the pandemic has resulted in the cancellation of sporting events,” aniya.

Kabilang sa mga tatalakayin na paksa ay ang ukol sa tamang postura wastong pagkilos para sa mga para-athletes, gayundin ang online zumba session na isasagawa ng mga physical therapists ng PSC na sina Arryl Puchero, Maya Angelou Mel, Jaja Antonio, Riggs Poblete, Christine Magtibay, at Fatima Pereyra.

Mahigit 300 para-athletes buhat sa athletics, sitting volleyball, football, swimming, chess, archery, wheelchair basketball, cycling, dancesport, triathlon, bowling, powerlifting, badminton, table tennis, goalball at boccia, ang nakibahagi sa isang linggong online seminar na ginanap noong Hulyo 17 hanggang 23.

-Annie Abad