Ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa ay maaaring umabot sa 140,000 pagsapit ng katapusan ng Agosto, at karamihan ng mga kaso ay nagmumula sa National Capital Region, sinabi ng isang eksperto mula sa University of the Philippines.

Sa mahigit 2,000 additional cases na naitatala araw-araw sa nakalipas na tatlong araw, sinabi ni Dr. Guido David, isang miyembro ng UP-OCTA Research, na may posibilidad na ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa pagsapit mg katapusan ng Hulyo ay lalagpas sa nauna nilang projection na 85,000.

“Mukhang possible umabot ng 90,000, and by end of August, 140,000,” sinabi ni David sa DZMM Teleradyo.

Sinabi ni David na kapag hindi bumaba ang trend ng mga kaso, ang pinakamain na gawin ng gobyerno ay ilagay muli ang NCR sa mas mahigpit na quarantine.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Sa ngayon mukhang makakatulong ‘yon, kasi nagsubok na tayo ng mga measures, random testing, localized lockdown, pero parang hindi yata gumagana. Unless may mga magandang ideas ‘yung gobyerno sana, baka mapilitan tayong bumalik sa mas strict na quarantine, di naman natin ginugusto ‘yan pero kung ‘yan ang kailangan mangyari,” ani David.

“Ang pinaka-concern talaga natin ngayon ‘yung mga hospitals kung nag-open tayo ngayon, kung i-allow natin ang GCQ (general community quarantine), ang mangyayari is kung may mga magkakasakit di na sila tatanggapin sa mga hospitals,” dagdag niya.

Binanggit din ni David na ang trend ng mga kaso sa Cebu City ay pababa na, na nangangahulugan lamang na karamihan ng mga kaso ay talagang nanggagaling sa NCR.

“Na fa-flatten na yung curve sa Cebu (City), so ibig sabihin saan nanggagaling ‘tong cases na ‘to? Mostly sa NCR talaga. Iyong trend sa NCR is pataas, at saka di lang sa NCR, pati sa Calabarzon, nadamay din siya sa NCR, ” aniya.

Dahil sa bilang ng COVID-19 sa bansa,

iminungkahi ni David na suriin ng gobyerno ang mga hakbang na ginagawa upang makontrol ang pagkalat ng sakit.

— Noreen Jazul