SA gitna ng mga balita ng pagsasara ng mga negosyo, pagkawala ng trabaho at pagbagsak ng Gross Domestic Product ng maraming bansa, magandang marinig ang mga positibong ulat sa ilang sektor, ulat sa inaasahang pagbangon mula sa malalim na pagkalugmok na idinulot sa mundo sa COVID-19 pandemic.
Bumaba sa 0.2 porsiyento ang GDP ng Pilipinas sa unang bahagi ng taon, habang nagsisimula nang kumalat sa mga kalapit na bansa ng Singapore at Pilipinas, ang pandemya sa China noong Disyembre 2019,
Sa pagtatapos ng unang bahagi ng taon noong Marso, sinimulan ng Pilipinas ang pagpapatupad ng lockdown sa iba’t ibang bahagi ng bansa, mula sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) para sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon noong Marso 16.
Unti-unti tayong nakaangat sa labang ito sa ikalawang bahagi ng taon, Abril hanggang Hunyo. Nasa gitna na tayo ngayon ng ikatlong bahagi –Hulyo hanggang Setyembre. Nitong nakaraang weekend, inihayag ng Bank of China ang isang pagtataya: maaaring makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas sa darating na ikaapat na bahagi ng taon – Oktubre hanggang Disyembre. Higit itong magandang balita kumpara sa pagtataya ng mga economic managers ng Pilipinas na nakikita ang pagliit ng GDP ng Pilipinas mula 2 hanggang 3.4 porsiyento ngayong taon. At inaasahan nilang makababawi ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon, nang may 8 hanggang 9 na porsiyentong paglago sa GDP.
Ang positibong pagtatayang ito ay inaasahan din ng pinakamalalaking conglomerate sa bansa – ang San Miguel Corp. (SMC) – sinabi ni President Ramon Ang na nagsimula na silang maka-recover nitong Mayo at Hunyo. Tulad ng ibang negosyo, dumanas ang SMC ng malaking pagbaba sa una at ikalawang bahagi ng taon. Mula sa pagsasara ng negosyo noong Abril, nakapagtala ang kanyang negosyo – food and beverage, power, infrastructure, fuels –ng malaking pag-angat ngayong Hunyo.
Sinabi naman ng Asian food conglomerate na Jollibee Foods Corp. (JFC), na may 5,800 outlets sa 35 bansa, na nagsisimula na silang maka-recover sa United States, China, at iba pang mga bansa. “The COVID-19 pandemic has significantly disrupted our business and our lives, but JFC is adapting very quickly and decisively,” pahayag ni JFC Chief Executive Officer Ernesto Tanmantiong.
Nakaabang ang mundo sa pagkalikha ng isang bakuna na magpapahinto sa pagkalat ng COVID-19 at ang simula ng pag-ahon ng ekonomiya. Ngunit ang pinakamagandang ekspektasyon ay ang bakuna na posibleng maging handa na sa Disyembre na gugugol naman ng ilang buwan upang makapagmanupaktura at maipamahagi ang bilyun-bilyong doses na kailangan ng mga bansa sa buong mundo.
Tayo rin ay umaasa sa pagkakadiskubre ng isang bakuna, ngunit kahit pa wala pa ito, nagsisimula na tayong makaahon. Inaasahan ng Bank of China na darating ito ng mas maaga, ngayong ikaapat na bahagi ng taon, habang ang pribadong mga negosyo tulad ng SMB at JFC, ay nagsisimula nang makita ang pag-ahon ng kanilang sariling operasyon, ay isang positibong bagay para sa buong bansa.
May bakuna man o wala, dapat nating makita ang pag-ahon ng bansa sa simula ng ikaapat na bahagi ng taon, sa pagtataya sa mga obserbasyon at inaasahan. Maari nating maranasan ang isang masayang Pasko na nakasanayan natin.